HANDANG makipagtulungan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Education (DepEd) upang palawigin ang kanilang grassroots program, kasama na rin ang suporta ng mga local government units (LGUs) sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito ang naging paksa ng usapan ng makipagpulong si PSC Chairman William “Butch” Ramirez, sa pamunuan ng DepEd na si Assistant Secretary Revsee A. Escobedo at ang labing isang DepEd officials noong Huwebes ng gabi Davao City.
Nangako ang PSC sa DepEd na susuportahan hindi lamang ang Palarong pambansa ngunit lahat ng mga sports grassroots programs na isasagawa ng kawani upang palawigin ang palakasan sa bansa.
“Choose focus sports kung saan tayo malakas. Palakasin kung saan tayo mahina,” pahayag ng PSC chief. “I support DepEd’s direction on grassroots sports. Our concern is also grassroots sports. We will support you.” ayon pa kay Ramirez.
Malaki naman ang tiwala ni Escobedo, sa ipinangakong suporta ng PSC sa DepEd at umaasahang magiging matagumpay ang nasabing pagsasanib puwersa.
“We look forward na maging fruitful ang program in partnership with PSC and the DILG. Hihingi tayo ng tulong at guidance a kanila,” ayon kay Escobedo.
-Annie Abad