BRASILIA (Reuters, AP) – Nilamon ng apoy nitong Linggo ang 200-anyos na museum sa Rio de Janeiro, na may koleksiyon ng mahigit 20 milyong bagay mula sa archeological findings hanggang sa historical memorabilia.

Sumiklab ang sunog sa Museu Nacional sa hilaga ng Rio, tahanan ng artifacts mula Egypt, Greco-Roman art at oldest human fossil na natagpuan sa Brazil, dakong 7:30 ng gabi. Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng apoy, at wala namang nasugatan.

Ang museum, nakaugnay sa Rio de Janeiro federal university at sa Education Ministry, ay itinayo noong 1818.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina