PINAPAYAGAN na si Barbie Forteza ng parents niya na sumamang mag-travel with her boyfriend, Jak Roberto, pero laging kasama sa mga lakad nila ang sister ni Jak na si Sanya Lopez.

Jak, barbie, sanya

Nang pumunta sa Palawan sina Jak at Barbie, kasama nila si Sanya. At sa Hong Kong trip nina Jak at Barbie ay kasama pa rin nila si Sanya.

Siguradong magkasama sa room sina Sanya at Barbie, kaya iwas tsismis na baka sina Barbie at Jak ang magkasama sa room ng hotel habang nasa Hong Kong silang tatlo. Sa nakita naming photo habang nasa eroplano sila, pinapagitnaan si Jak nina Barbie at Sanya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tinukso si Sanya na third wheel siya nina Barbie at Jak at istorbo lang siya sa dalawa, pero dedma ang tatlo. Mas magandang matawag na third wheel kaysa pag-isipan nang hindi maganda sina Jak at Barbie.

In fairness sa tatlo, pare-pareho silang busy. Si Barbie, patuloy na napapanood sa Inday Will Always Love You kapareha si Derrick Monasterio. Si Jak naman ay nasa magtatapos nang Contessa, at babalik sa Bubble Gang at sa Sunday PinaSaya.

Nagte-taping na ngayon si Sanya para sa Cain at Abel, kung saan gaganap siyang asawa ni Dennis Trillo.

Ininggit nga si Barbie ng mga reporter dahil siya ang matagal nang may crush kay Dennis pero hindi pa niya nakakatrabaho ang aktor. Si Sanya, walang ka-effort-effort na napiling leading lady ni Dennis.

-Nitz Miralles