JAKARTA — Sinigiuro nina Eumir Felix Marcial at Carlo Paalam na hindi mabobokya sa medalya ang boxing sa impresibong panalo sa quarterfinals ng kani-kanilang event sa 18th Asian Games Miyerkules ng gabi sa Jakarta International Expo.

NABIGWASAN ni Eumir Felix Marcial ng Philippines (kaliwa) ang karibal na si Kim Jinjea ng Korea tungo sa unanimous decision, habang matikas si Carlo Paalam sa kanyang laban para masiguro ang bronze medal sa boxing event ng 18th Asian Games sa Jakarta International Expo. (PSC PHOTO)

NABIGWASAN ni Eumir Felix Marcial ng Philippines (kaliwa) ang karibal na si Kim Jinjea ng Korea tungo sa unanimous decision, habang matikas si Carlo Paalam sa kanyang laban para masiguro ang bronze medal sa boxing event ng 18th Asian Games sa Jakarta International Expo. (PSC PHOTO)

Ginapi ni Paalam, pinakabaya sa eighth-member team ng ABAP sa edad na 20, ang beteranong karibal na si Termirtas Zhussupov ng Kazakhstan, 4-1, upang makausad sa men’s flyweight semifinal.

Sinundan ito ni Marcial sa dominanteng 5-0 panalo kontra Jinjea Kim ng Korea sa men’s middleweight quarterfinal bout.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Magaling siya at mautak kasi experienced siya,” pahayag ni Paalam, sunod na haharapin si China’s Wu Zhonglin— 5-0 winner kay Indonesia’s Mario Blasius Kali – sa semifinals ngayon.

“Kahit bata ako, gusto ko siyang sabayan,” sambit ni Paalam, bronze medalist sa 2016 Asian at World Youth Championships.

Nakuha naman ni Marcial, 22, ang iskor ng lahat ng m ga hurado para makausad sa gold medal round laban kay 2014 Incheon Asian Games welterweight silver medalist Israil Madrimov ng Uzbekistan.

Naitala ni Marcial, back-to-back SEA Games gold medalist, ang Referee Stopped Contest kontra Ng Kuok Kun ng Macau bagp sa dominanteng panalo sa Korean.

Tatangkain ni Rio de Janairo Olympian Rogen Ladon na makausad sa gold medal duel sa pakikipagtuos kay Yuttapong Tongdee ng Thailand sa men’s flyweight clash.