Watanabe, asam ang ika-5 ginto para sa Team Philippines

JAKARTA – Hindi pa tapos ang selebrasyon ng Team Philippines sa 18th Asian Games.

GOLDEN JUDOKA? May pagkakataon ang Team Philippines na madugtungan ang hakot na gintong medalya sa lima matapos magwagi si Kyomi Watanabe kontra Gankhaich Bold ng Mongolia at makausad sa gold medal match ng women’s -73 kgs. judo competition sa 18th Asian Games sa JCC Complex sa Jakarta

GOLDEN JUDOKA? May pagkakataon ang Team Philippines na madugtungan ang hakot na gintong medalya sa lima matapos magwagi si Kyomi Watanabe kontra Gankhaich Bold ng Mongolia at makausad sa gold medal match ng women’s -73 kgs. judo competition sa 18th Asian Games sa JCC Complex sa Jakarta

May pagkakataon si Kiyomi Watanabe na madugtungan ang hakot sa gintong medalya sa lima sa pagsabak sa championship round ng women’s -73 kg ng judo. Nakatakda ang laban ganap na 5pm ng Huwebes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makakaharap ng 22-anyos Filipino-Japanese sa gold medal match ang mahigpit na karibal na si Japanese Nami Nabekura, gumapi sa Pinay judoka sa Asian Championship finals sa nakalipas na taon.

“She is ready and determined to give another gold medal for the Team Philippines. Kabisado na niya ang istilo at diskarte ng kalaban niya, hopefully, makabawi siya rito,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez.

Kabilang si Watanabe sa ‘priority athletes’ na tinutukan ng PSC sa nakalipas na mga taon.

Umusad sa finals si Watanabe nang gapiin si Gankhaich Bold ng Mongolia sa semifinals. Nauna niyang napatalsik si Orapin Senatham ng Thailand sa quarterfinals kung saan awtomatiko siyang umusad matapos makakuha ng bye.

Anuman ang kaganapan, sigurado na si Watanabe para sa marka na unang Pinoy na nagwagi ng medalya mula nang maisama sa Asiad calendar ang judo noong 1986. Nalagpasan din niya ang ikapitong puwesto na pagtatapos sa 2014 Asiad sa Incheon.

Hindi naman pinalad ang mga kasangga niyang sina SEA Games gold medalist Mariya Takahashi, nabigo sa women’s -63kg quarterfinals at repechage, habang natalo si Keisei Nakano sa men’s -73kg round-of-16 at nasibak si Megumi Kurayoshi sa round-of-16 ng women’s -57kg.

Nangailangan lamang si Watanabe, ranked No. 10 sa International Judo Federation, ng isang minuto at 17 segundo para gapiin ang world No.204 na si Senathan via Ippon.