RIYADH (AFP) – Sinabi nitong Miyerkules ng Saudi-led coalition na hindi patas at inaccurate ang ulat ng UN investigators sa posibleng war crimes sa Yemen kabilang ang madudugong air strikes ng alyansa.
‘’We affirm the inaccuracies in the report and its non-neutrality,’’ sinabi ng coalition sa pahayag na inilabas ng official Saudi Press Agency.
‘’The report did not mention Iran’s role in the continuation of the war... and its continued support for the Huthi’’ militias. Idinagdag ng koalisyon na magbibigay ito ng ‘’comprehensive and detailed legal response’’ sa ulat.
Sa unang ulat na inilabas nitong Martes, sinabi ng mga imbestigador ng UN na ang lahat ng partido sa madugong digmaan sa Yemen ay nakagawa ng ‘’substantial number of violations of international humanitarian law’’.
Karamihan sa mga paglabag na ito ay katumbas ng ‘’war crimes’’, ayon sa ulat, binanggit ang malawakang arbitrary detention, rape at torture.
Sinabi sa ulat na ang coalition air strikes ang nagdulot ng ‘’most of the documented civilian casualties’’, itinuro ang malaking bilang ng strikes sa residential areas, pamilihan, lamayan, kasalan at, medical facilities.