MAS mataas ang naitala ni Ferdinand “Toto” Leysa na 30 tie break points kontra sa 25 na naikamada ni Jimzon Trangia para magkampeon sa katatapos na Margie Cobrado Narcilla FIDE Rated Standard Time Control, Single-Round Robin Chess Championships na ginanap kamakailan sa Jardin del Roca Mountain Resort, Bayabas saToril, Davao City.

Sina Leysa at Trangia ay tumapos ng two-way tie na may tig seven points.

Tinangap ni Leysa ang top purse P5,000 habang naiuwi naman ni Trangia ang P3,000.

Nakapagtumpok naman si third placer Alfred Moulic ng 6.5 points sapat para maibulsa ang P2,000 sa kanyang effort.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang mga nakapasok sa top-10 circle ay sina 4th place Kurt John Placencia (6 points, P1,000), 5th place Atty. Jose Dionisio “Jong” Guevarra Jr. (5.5 points, P1,000), 6th place Knarf Lawrence Batislaong (4.5 points, P1,000), 7th place Michael Elloso (3 points, P500), 8th place Irish Yngayo (2.5 points,P500), 9th place Florence Faith Guevarra (2.5 points,P500) at 10th place Baltazar Rafales (0.5 point, P500).

Ang Tournament Director ay si Cecilio “Ely” A. Acas habang ang Chief Arbiter ay si FNA Margie Cobrado Narcilla na kaagapay din sa pangangasiwas ng nasabing FIDE rated chessfest ay sina Deputy Arbiter Joseph Gene “Jojo” I. Palero at Arbiter Alexander E. Clavite.

Ang FIDE rated tournament ay hindi magtatagumpay kung hindi dahil sa suporta nina Atty. Jose Dionisio “Jong” Guevarra Jr., Trumph Motorcycle at Ms. Gina Villaruz.