JAKARTA – Nailusot ni Olympian Rogen Ladon ang pahirapang 3-2 desisyon laban kay Azat Mahmetov ng Kazakhstan sa flyweight quarterfinals para makasiguro ang Philippine Team ng bronze medal sa boxing competition ng 18th Asian Games NITONG Martes ng gabi.

Nakipagpalitan ng bigwas si Ladon, isa sa apat na Pinoy na nakalaro sa Rio Olympics noong 2016, ngunit nanaig ang bilis para makapuntos sa krusyal na sandali laban sa Kazahk.

Nakuha ni Ladon ang iskor na 29-28 mula sa dalawang hurado mula sa Tunisia at Romania, habang pumabanor sa Kazakh ang hurado mula sa Algeria.

Sasabak si Ladon para sa finals at garantisadong silver medal kontra Thai Yuttapong Tongdee, 3-2 winner kay Gan-Erdene Gankhuyag, sa Biyernes.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Target din nina welterweight Eumir Felix Marcial at lightfly Carlo Paalam ang bronze medal sa kanilang laban sa quarterfinals Miyerkules ng gabi.