MATAPOS ang matagumpay na kampanya sa 2018 Asian Games, target naman ng gold medalist na si Yuka Saso ang isa pang matagumpay na kampanya para sa Youth Olympic Games (YOG) sa darating na Oktubre 6-18 sa Buenos Aires, Argentina.

Kabilang si Saso sa mga naunang mga batang atleta na nakapasok bilang qualifiers sa nasabing Olimpiyada para sa mga batang atleta, kung saan kasama niya rin ang teammate na si Luis Miguel Castro.

Si Saso ay kasalukuyang may ranking na 48 sa kabuuan ng Women’s World Amateur list kung saan nakapasok sa Pilipinas sa top 26 na bansa , sapat na dahilan upang makasali sa YOG na naging resulta ng ginanap na qualifying round noong nakaraang buwan.

“Nakaka proud po. Mixed emotions po, hanggang ngayon hindi pa rin po ako makapaniwala sa panalo sa Asian Games, tapos next goal naman po is yung YOG. Sana po maduplicate po natin yung performance namin sa Asian games sa YOG,” ayon sa 17-anyos na si Saso.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Malaki rin ang pasasalamat ni Saso sa kanyang coach na si Rick Gibson na nagbigay umano ng buong tiwala sa kanyang naging performance sa Indonesia.

Kabilang naman sa anim na iba pang kabataang atleta na na una nang nakapasok sa YOG na sina Nicole Tagle ng archery, Christian Tio ng kiteboarder, Jan Mari Nayreand ng tabble tennis, at ang swimmer na si Nicole Oliva.

-Annie Abad