MASSACHUSETTS (AFP) — Ang tumataas na antas ng carbon dioxide sa hangin ay nagbabantang uubusin ang sustansiya sa wheat, rice, at iba pang staple grains na may mahahalagang nutrisyon, at itinataas ang posibilidad ng mass malnutrition, bababala ng mga mananaliksik nitong Lunes.

Sa kasalukuyang trends, babawasan ng mas mataas na CO2 concentrations ang iron, zinc at protein levels sa mga pananim na nagpapakain sa mundo ng halos 17 porsiyento sa kalagitnaan ng siglo, iniulat nila sa journal na Nature Climate Change.

“Hundreds of millions of people could become newly deficient in these nutrients, primarily in Africa, Southeast Asia, India and the Middle East,” sinabi ng lead author na si Matthew Smith, researcher sa Harvard T.H. Chan School of Public Health, sa AFP.

“These are in addition to the billions of people already deficient that could see their condition worsen.”
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture