JAKARTA – Minsan nang naisalba ni Daniel Caluag ang Team Philippines. Ngayon, balik siya sa starting line para maidepensa ang korona at madugtungang ang hakot na medalya ng Pinoy sa 18th Asian Games.

Sa pagkakataong ito, makakasama ni Caluag sa kampanya sa BMX competition ng nakababatang kapatid na si Christopher John at isa pang Fil-Am na si Sienna Elaine Feinnes.

Lalarga ang tatlo ngayon sa pagsibat ng kanilang kampanya sa Jakarta International BMX Track.

“I have prepared myself for the Asian Games and I have looked forward to trying to win the gold medal,” pahayag ni Caluag, nagiisang gold medalist sa Team Philippine sa 2014 Asian Games sa Incheon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I have been training all year and I am racing not for myself, but for the country and the entire Filipino people,” ayon sa 31-anyos na si Caluag.

Dumating ang magkapatid na Caluag, at ang 19-anyos na si Fiennes nitong Miyerkules mula sa Los Angeles.

Kaagad na sumabak sa ensayo ang tatlo kinabukasan at sa kabila ng limitadong oras ay kaagad na nakabisado ang venue.

Gamit ni Caluag ang Yess BMX bike, ang bisikleta na nagpanalo sa kanya sa Incheon. Ngunit, hindi niya nakasama ang New Zealand coach na si Kurt Pickard, gumabay sa kanya sa 2012 London Olympics.

Isinantabi rin ni Caluag ang isyu hingil sa kanyang pagreretiro dulot ng labis na timbang.

“Some people say I’m retired, I’ll leave them at that,” aniya. “And some say I am overweight. But I’m defintely more prepared now than how I was in Incheon.”