Walang kahirapan, digmaan, at impiyerno kung mayroong Diyos, ito ang huling pahayag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kaugnay sa relihiyon.

Sinabi ng Pangulo na naniniwala siya sa Diyos na “reasonable and has common sense,” hindi tulad ng mga bobong diyos ng kanyang mga kritiko.

“I don’t know how he works out his -- because… Ako naman, kasi if you are God, you don’t create hell. If you are God you don’t create wars,” ani Duterte sa pagbisita niya sa Cebu City nitong Martes ng gabi.

“If there is a God then there is no poverty. If there is God then nobody dies of hunger. If there is God then you are not refused burial services on Sundays,” idinugtong niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na mayroon siyang sariling konsepto ng Diyos. Pinanindigan niya na mayroong Diyos na kumokontrol sa kalawakan.

“I believe in God,” ani Duterte. “I know that there is something universal mind aligned and he controls the universe.”

Ipinaliwanag ni Duterte na kontra lamang siya paggamit ng ilang religious leaders sa pangalan ng Panginoon para atakehin ang kanyang gobyerno.

“Because when you use the platform of religion to attack a politician or an official in government, you open the sacredness of your God kaya sabi ko your God is stupid,” aniya.

-Genalyn D. Kabiling