Pinalawig ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa overseas Filipino workers (OFWs) na hindi nakabalik sa kanilang trabaho sa ibang bansa dahil sa aberya sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dulot ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines.

Inihayag DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano, sa pamamagitan ng kagawaran at ng Office of Migrant Workers Affairs (OMWA), na pinalawig ang P5,000 financial assistance sa apektadong OFWs na may cancelled flight, simula kahapon Agosto 22 (Miyerkules) hanggang Agosto 24 (Biyernes) ng tanghali.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Y. Arriola, makukuha ang tulong pinansiyal sa kanyang tanggapan sa 3rd floor ng DFA Main Office sa Roxas Boulevard, Pasay City, at sa NAIA Terminals 1, 2 at 3.

Dalhin lamang ng apektadong OFWs ang kanilang ticket sa eroplano na may orihinal na petsa ng pag-alis gayundin ang petsa ng bago nilang ticket, employment contract at overseas employment certificate para maka-avail ng financial assistance.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

-Bella Gamotea