Habang isinusulat ang ito, comatose ang isang binata matapos mahulog mula sa ikalawang palapag ng tenement house sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Wala pa ring malay sa Valenzuela City Medical Center si Dennis Laweg, 35, construction worker, ng Block 4 Disiplina Village, Unit 211, Barangay Bignay ng nasabing lungsod.

Base sa findings ng mga doktor, nagkaroon ang biktima ng severe traumatic brain injury kaya na-comatose.

Sa imbestigasyon nina SPO3 Alexander O. Manalo at P03 Laude Pillijera ng Station Investigation Unit (SIU), nakita si Laweg na walang malay habang nakadapa sa flooring ng Building 4-5 ng nasabing pabahay at puro dugo ang mukha at ulo, pasado 8:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa mga imbestigador, posibleng nahulog si Laweg at walang nakapansin.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Orly L. Barcala