Arestado ang isang lalaki matapos pagbantaang papatayin ang may-ari ng isang karinderya sa Marikina City, nitong Martes ng hapon.

Base sa police report, hiniling ni Richard Lacson, 54, welder, ng Block 6 Lot 71, Talong Street, Barangay Tumana, Marikina City sa may-ari ng karinderya na si Louinie Arsenio, 38, ng nasabi ring barangay na hainan siya ng pagkain, bandang 2:30 ng hapon.

Gayunman, hindi pumayag ang may-ari sa nais ng suspek na sa huli na bayaran ang kakainin nito, ayon sa pulis.

Dahil dito, nagalit umano si Lacson at sinigawan ang may-ari at binantaang papatayin.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagdesisyon si Arsenio na dumulog sa Police Community Precinct 4 (PCP-4) ng Marikina City.

Iniulat din na isinumpa ni Lacson ang mga umaaresto habang pumapalag sa mga kamay ng mga ito.

Napag-alaman na ang suspek ay may criminal record sa frustrated homicide at direct assault noong 2015, ayon kay Pasia.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas si Lacson sa Marikina Central Police Station at nahaharap sa kasong grave threat, alarm and scandal, at resisting arrest.

-Hanah Tabios