Isang lalaking miyembro umano ng drug syndicate ang napaslang nang manlaban umano sa buy-bust operation sa Binangonan, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Rizal Provincial Police Office (RPPO) director, Senior Supt. Lou Frias Evangelista, kinilala ang napatay na si Renato Certeza, nasa hustong gulang, ng Barangay Tagpos, Binangonan.

Sa report ng Binangonan Municipal Police Station, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Calabarzon Police laban sa suspek sa bahay nito.

Naramdaman umano ng suspek ang presensiya ng mga pulis kaya nanlaban ito, ngunit napatay ng mga alagad ng batas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Si Certeza ay sinasabing miyembro ng Certeza drug group, na pinamumunuan ni Harold Certeza, na nag-o-operate sa Binangonan, Rizal at mga kalapit na munisipalidad.

-Mary Ann Santiago