PORMAL na ipinahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio ang pagpili kay coach Yeng Guiao bilang coach ng Team Philippines-Gilas sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Setyembre.

Si Guiao ang pansamantalang hahalili kay Gilas head coach Chot Reyes na napatawan ng one-game ban ng International Basketball Federation (FIBA) sanhi ng Philippine team-Australia brawl noong nakaraang Hulyo 4 sa Philippine Arena.

“We’re happy to announce that we’re appointing coach Yeng to coach the Gilas team for the next window of the FIBA qualifiers,” ani Panlilio.

Ang NLEX Road Warriors head coach na siyang gumagabay sa Gilas sa 2018 Asian Games sa Indonesia, ang uupong coach ng national team kontra Iran sa Tehran sa Setyembre 13 at kontra Qatar sa Setyembre 17.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Ang laban ng Gilas kontra Qataris ay dito gaganapin sa Manila at idaraos ng closed door.

Inilagay ng FIBA ang Pilipinas ‘under probation’ matapos ang gulong nangyari sa Bulacan.

Bubuuin pa lamang ang komposisyon ng Gilas para sa second round.

-Marivic Awitan