WASHINGTON (AFP) – Isang master Al-Qaeda bomb maker na ilang taong nagtago sa Yemen habang nagdedebelop ng hard-to-detect explosives ang pinaniniwalaang napatay nitong nakaraang taon, sinabi ng isang US official sa AFP nitong Martes.
Si Ibrahim al-Asiri ay pinaniniwalaang sangkot sa maraming plano kabilang na ang isa noong Christmas Day 2009, nang tinangka ng isang lalaking Nigerian na pasabugin ang plastic explosives na nakatahi sa kanyang underwear sa flight mula Amsterdam hanggang Detroit.
‘’We are confident he was killed late last year,’’ sinabi ng opisyal sa kondisyong hindi siya papangalanan.
Ayon sa UN team na sumusubaybay sa terror groups sa Middle East, ilang Security Council members ‘’report that explosives expert Ibrahim al-Asiri may have been killed during the second half of 2017.’’
Tumanggi ang Pentagon na magbigay ng impomasyon.
Si Asiri, isang Saudi, ay kabilang sa Al-Qaeda sa Arabian Peninsula, na nakabase sa Yemen at target ng ongoing US counter-terror operations. Naging estudyante ng chemistry at kilala rin bilang Abu Saleh, kasama siya sa ilang most-wanted lists at nakaligtas sa paulit-ulit na pagsisikap ng US na siya ay patayin.
Dalubhasa siya sa paggawa ng non-metallic explosives, madalas na gumagamit ng Pentaerythritol tetranitrate o PETN, at chemical detonators.