SEOUL (Reuters) – Binatikos ni North Korean leader Kim Jong Un ang health sector ng kanyang bansa, iniulat ng state media kahapon, ang huling mga batikos niya bilang bahagi ng kanyang kampanya para simulan ang economic development.

Simula ng summit nila ni U.S. President Donald Trump noong Hunyo sa Singapore – kung saan pinuri ni Kim ang economic progress at “world-class” amenities ng city-state - iniikot ng authoritarian leader ang iba’t ibang industrial sites at pabrika sa NoKor, at madalas na punahin ang mabagal na paglago.

Sa pagbisita niya sa Myohyangsan Medical Appliances Factory sa North Phyongan province sa hilagang silangan ng kabisera ng Pyongyang, kinondena ni Kim ang kawalan ng modernisasyon sa pabrika, iniulat ng state media outlet na KCNA.

Sinabing “there is nothing to be proud of in the public health sector,” nangako si Kim na personal na tututukan ang pagsasamoderno ng pabrika bilang bahagi ng pangarap para mapabuti ang “domestic production, automation and modernization,” ayon sa KCNA.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina