Maaapektuhan ng southwest monsoon o habagat ang 19 na lalawigan sa Northern Luzon, na pinalakas pa ng papalapit na bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa labas ng Pilipinas na may international name na 'Soulik', sa layong 1,800 kilometro ng Silangan-Hilagang Silangan ng pinakadulo ng northern Luzon, kahapon.

Ayon sa PAGASA, maliit ang tsansang pumasok sa PAR ang sama ng panahon ngunit, paiigtingin nito ang umiiral na habagat.

Kabilang sa maaapektuhan ng habagat ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batanes, Babuyan islands, Zambales, at Bataan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinapayuhan naman ang mga manlalayag na huwag munang pumalaot dahil sa epekto ng habagat.

-Ellalyn De Vera-Ruiz