Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na gamiting ‘pondo ng kabutihan’ ang Salita ng Diyos.

Sa pagdiriwang ng ika-14 na anibersaryo ng Pondo ng Pinoy, ibinahagi ng Cardinal na ang salita ng Diyos ang marapat na maging pondo at pinagmumulan ng lakas ng bawat mananampalataya.

“Kung titingnan po natin ang pinaka-pondo natin ay ang salita ng Diyos na kapag tinanggap, pinaniwalaan, isinabuhay ay magiging kayamanan,” ani Tagle.

Nananalangin rin ang Cardinal para lumago pa at dumami ang mga natutulungan ng Pondo ng Pinoy.

Anak ni Pokwang, gustong palayasin ng ex-partner ng ina matapos mabuntis nang 'di kasal

“Ang final na produkto ng Pondo ng Pinoy ay ang marangal na Pinoy. Marangal dahil marunong umibig, marunong dumamay, bukas ang mata at puso sa kapwa. Ang marangal na Pinoy hindi individualistic. Ang marangal na Pinoy hindi sarili ang itinataguyod. Ang marangal na Pinoy hindi magaspang ang pag-uugali. Ang marangal na Pinoy hindi nambubusabos. Ang marangal na Pinoy katulad ni Kristo,” ani Tagle.

Mary Ann Santiago