Pinaalalahanan kahapon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang mga opisyal at empleyado nito na maging maingat sa mga ipinapaskil sa kanilang social media accounts dahil malaki ang papel nila sa paghubog sa opinyon ng publiko.

Sa memorandum na nilagdaan noong Agosto 13 ngunit inilabas makaraan ang tatlong araw, pinaalalahanan ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy ang lahat sa ahensiya tungkol sa kanilang mahalagang papel sa bansa.

Hinimok ni Badoy, chair din ng PCOO Gender and Development Focal Point System (GFPS) Executive Committee, ang lahat sa ahensiya na maging maingat sa pagtugon sa gender-sensitive issues.

“The undersigned (Badoy) would like to remind you, along with all officials and employees, of our role in creating a positive impact towards gender issues and portrayal of women in the media since we play a crucial role in raising public awareness and shape public opinion,” aniya.

Dating miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato, sumuko na sa ICC?

“Hence, please be mindful of the content you post or share on your persona social media accounts, as well as other publications and press releases your office may publish,” dugtong niya.

Sinabi ni Badoy, Undersecretary for New Media and External Affairs, na ang public officials at employees ay may pananagutan sa provisions ng sections ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at dapat na maging propesyonal.

“Public officials and employees shall perform and discharge their duties with the highest degree of excellence, professionalism, intelligence, and skill. They shall enter public service with utmost devotion and dedication to duty,” aniya, kaugnay sa Section 4a ng RA 6713.

Inilabas ni Badoy ang memorandum ilang araw matapos ulanin ng batikos si PCOO assistant secretary Mocha Uson dahil sa kanyang kontrobersiyal na federalism video na nagpapakita ng malaswang sayaw na itinuturo ang mga pribadong parte ng isang babae.

-Argyll Cyrus B. Geducos