RIYADH (AFP) –Dalawang milyong Muslim ang magtipun-tipon sa Saudi Arabia ngayong linggo para sa hajj na nagiging hi-tech na gamit ang apps para tulungan ang mga mananampalataya sa paglalakbay sa mga pinakabana na lugar ng Islam.

Masasaksihan sa hajj ngayong taon ang mabilis na pagbabago sa napakakonserbatibong kaharian, na sa wakas ay pinayagan nang magmaneho ang kababaihan.

Isa sa limang haligi ng world’s fastest-growing religion, inaasahang dalawang milyong katao mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ang dadalo sa hajj ngayong taon.

Nitong Huwebes, mahigit 1.6 milyon katao na ang dumating sa Saudi Arabia para sa pilgrimage, na magsisimula sa Linggo hanggang sa Biyernes.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina