Tinatayang aabot sa P15 milyon halaga ng puslit na asukal ang nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container Port (MICP), kamakailan.

Inalerto ni BoC Commissioner Isidro Lapeña ang mga tauhan nito nang makatanggap ng impormasyon na mayroong kargamentong “misdeclared” na nakapasok sa bansa.

Aniya, ang nasabing kargamento ay naunang idineklara bilang mga refractory mortar ngunit nadsikubreng naglalaman pala ito ng 5,000 sako ng puslit na asukal.

Lumabas din sa imbestigasyon na ang kargamento ay pag-aari ng kumpanyang Don Trading.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, ang refractory mortar, na sangkap sa paggawa ng semento, ay may pagkakahawig na ginagamit naman sa paggawa ng brick o stone fireplaces, o iba pang installations na ginagamit laban sa matinding init.

“Contrary to what was reported to me that the content was in order, we found 10 container vans that were positive for violation of the Customs Modernization and Tariff Act,” ani Lapeña.

Natukoy ang sinasabing sindikato sa pagpupuslit ng asukal sa bansa, may hinala si Lapeña na ilang tauhan ng BoC ang maaaring kasabwat ng sindikato.

“I am now ordering the investigation of all involved Customs personnel, the consignee and customs broker involved in these misdeclared shipments. Smuggling cases will be filed after the investigation,” aniya.

-Mina Navarro at Betheena Kae Unite