Team Philippines-Gilas, dominante sa Kazakhstan

JAKARTA – Hindi umabot sa takdang oras ng laro ng Team Philippines laban sa Kazakstan.

MAIS-MAIS lang ang laro ni Raymond Almazan laban sa Kazakhstan sa unang laban ng Pinoy cagers sa men’s basketball ng 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia. (AP)

MAIS-MAIS lang ang laro ni Raymond Almazan laban sa Kazakhstan sa unang laban ng Pinoy cagers sa men’s basketball ng 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia. (AP)

Ngunit, tulad ng sambayanan – nadama ni Fil-Am NBA star Jordan Clarkson ang kasiyahan (kahit pansamantala) – nang mapanood ang dominanteng 96-59 panalo kahapon sa GBK Basketball Hall.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tatapusin ng Nationals ang three-team Group B preliminaries laban sa liyamadong China sa Agosto 21.

Ipaparada ng China ang dalawang NBA veteran na sina center Zhou Qi mula sa Houston Rockets at Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks.

Ang magandang balita para sa Pinoy, anuman ang maging resulta ng laro, pasok ang Team Philippines sa quarterfinals kung saan naghihintay sa Nationals ang higit na mabibigat na koponan.

Tulad nang inaasahan, mistulang nagsagawa ng basketball clinics ang Team Philippines na lubhang dominante sa magkabilang dulo ng court, bukod sa angking bilis na nagpalawit sa dila ng Kazakhs.

Maging si coach Yeng Guiao ay hindi man lang kinunutan ng noo sa gaan ng naging laban. Ngunit, aminadong madarama ang pangangatal sa mga susunod na laban.

Nanguna si Stanley Pringle sa naiskor na team-high 18 puntos mula sa 6 of 9 shooting, bukod sa apat na rebounds at dalawang assists.

Mula sa 22-2 simula, umarangkada ang Nationals sa 41-20 sa halftime. Hindi nagawang makabangon ng Kazakhs mula rito.

“We were able to disrupt their (Kazakhs’) offense. We were able to challenge their shots. Our anticipation was good and that’s because of the scouting that we did and the implementation and the execution of our game plan,” pahayag ni Guiao.

Nanguna sa Kazakhs si Anton Bykov na may 13 puntos at limang boards.

Higit na naging mainit ang opensa ng Ph team sa third period nang dumating si Clarkson mula sa mahabang oras na biyahe galing sa Los Angeles para personal na mapanood ang laban.

Iskor:

Philippines (96) -Pringle 18, Standhardinger 15, Yap 12, Lee 10, Tiu 9, Norwood 7, Almazan 6, Erram 5, Belga 5, Taulava 5, Ahanmisi 4.

Kazakhstan (59) -Bykov 13, Gavrilov 9, Yergali 8, Zhigulin 7, Bazhin 6, Chsherbak 6, Kuanov 6, Marchuk 2, Maidekin 2, Yagodkin 0, Satkeyev 0.

Quarters: 16-9, 41-20, 61-43, 96-59.

KOREA 104-INDON 65

JAKARTA – Tulad nang inaasahan, matikas na sinimulan ng South Korea ang pagdepensa sa men’s basketball title nang durugin ang host Indonesia, 104-65, sa Group A preliminary sa Gelora Bung Karno Basketball Hall, Senayan, Jakarta.

Hataw si Korea’s star player Ricardo Ratliffe sa naiskor na 30 puntos at 19 rebounds, habang kumana sina Jeon Jun-beom at Kim Sun-hyung ng tig-13 puntos, habang tumipa sina Heo Ung at Heo Il-young ng tig-11 puntos.

Nanguna naman sa Indonesia sina Andakara Prastawa Dhyaksa at Jamarr Andre Johnson sa naiskor na 20 at 16 puntos.

Sinimulan ng Korean ang laro sa 21-9 tungo sa 53-31 sa halftime.

Sunod na haharapin ng Korea ang Mongolia, habang lalaruin ng Indonesia ang SEAG counterpart Thailand sa Lunes.