SANTIAGO (Reuters) – Siyam na eroplano ang napilitang magbago ng mga ruta sa Chilean, Argentine at Peruvian airspace nitong Linggo dahil sa bomb threats na inisyu sa civil aviation authority ng Chile, sinabi ng director general nito.
Dalawa sa mga eroplano ang pagmamay-ari ng LATAM Airlines at tatlo ng Sky, isang low-cost Chilean airline, kinumpirma ng mga kumpanya.
Sinabi ni Victor Villalobos Collao, director general ng civil aviation authority (DGAC) ng Chile, na 11 banta ang natanggap nitong Huwebes, dalawa ang “fictitious” at siyam ang may kaugnayan sa existing flights.
Ang lahat ng eroplano ay idineklarang walang lamang pampasabog, at isa kalaunan ang pinayagang lumipad.
Itinawag ang mga babala ng bomba sa mga opisina ng LATAM at sa civil aviation authority. Tinutunton na ng pulisya ang pinagmulan ng mga ito.