FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Balita na nakaku

ha ng R-18 sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang We Will Not Die Tonight na entry ni Erich Gonzales sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na napanood na simula kahapon, at limitado ang sinehang paglalabasan nito.

Sa ginanap na The Blood Sisters Threeling Finale mediacon ay tinanong namin si Erich tungkol dito at masaya niyang ibinalita na muli nilang ipinarebyu sa MTRCB ang pelikula.

“I’m happy to announce po na kanina (Lunes ng umaga), bago tayo nagsimulang mag-promo sa It’s Showtime ay umagang-umaga po ay nagtungo kami ni Direk Richard Somes sa MTRCB at may mga konting adjustments po kaming ginawa and ni-reconsider naman po iyon ng MTRCB, kaya nabigyan na po kami ng R-16. Kaya mapapanood na po ito sa lahat ng paboritong sinehan,” masayang kuwento ng aktres.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inamin din ni Erich na isa siya sa producers ng We Will Not Die Tonight.

“Ako po ‘yung nagbigay ng budget para sa principal photography and then si Direk Richard na rin ang bahala sa iba. But pinakapondo po siguro sa atin po nanggaling.”

Hirit namin na dugo’t pawis ang ipinangpondo ni Erich, na galing sa talent fees niya sa Blood Sisters.

“Basta po hindi naman po ito plinano, parang si Direk Richard may in-offer siya na kakaibang story, at sinabi niya na, ‘Erich parang walang magsusugal dito sa story ko’. At sobrang nagustuhan ko kaya sabi ko, ‘Direk gustung-gusto ko ‘yung story ninyo at approach ninyo sa We Will Not Die Tonight so ako po ‘yung magpo-produce’, kaya heto natuloy na,” kuwento ng dalaga.

-Reggee Bonoan