Tuloy ang giyera ng pamahalaan laban sa mga komunistang pinamumunuan ni National Democratic Front (NDF) Founding Chairman Jose Maria Sison.

Ito ang naging desisyon ni Pangulong Duterte nang ihayag niyang “terminated” na ang peace talks sa pagitan ng Government of the Republic of the Phillippines (GRP) at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-NDF (CCP-NPA-NDF).

Sinabi ng Pangulo na hindi na siya makikipag-deal sa mga rebeldeng komunista dahil hindi lamang pinapatay ng mga ito ang mga sundalo at sibilyan, humihiling pa ang mga rebelde ng coalition government.

“I have terminated the talks with the Reds—Communist Party of the Philippines with Sison because in the series of agreements before, even the time of Aquino, they entered into so many things that they scattered the privileges and power which they wanted,” bahagi ng pahayag ng Pangulo nang dumalo siya sa paglulunsad ng “Pilipinas Angat Lahat Alliance” sa Malacañang, nitong Martes.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We summed it all and it would really appear that it was a coalition government and I said, ‘I cannot give you an inch of that even. I cannot give you what is not mine’,” ani Duterte.

Aniya, itutuloy na ng pamahalaan ang pakikipaglaban dahil na rin sa pagmamalupit ng mga ito sa mga komunidad.

“I cannot deal with the Communist Party because to date, they have killed so many thousands soldiers, barangay captains, innocent civilians, suspected of being agents of the military. We have suffered and—in numbers. And I think it would not be good. We will just have to continue fighting,” anang Pangulo.

-Genalyn D. Kabiling