Nais ni Senator Win Gatchalian na magkaroon ng bagong teknolohiya upang maisakatuparan ang 100% electrification sa buong bansa, lalo na sa mga kanayunan.

“If we want to achieve 100-percent household electrification by 2022, we need to look for other technologies. Let’s improve the process of electrification,” ani Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy.

Aniya, hindi lang grid extension ang solusyon sa problema, dahil bukod sa lipas na ang teknolohiyang ito ay may kamahalan pa ang gastos.

Hinimok ni Gatchalian ang mga electric cooperative at private sector energy players na magsikap na makagawa ng murang teknolohiya para maserbisyuhan hanggang ang mga liblib na lugar.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

-Leonel M. Abasola