TRIPOLI (AFP) – Hinatulan ng isang korte sa Libya ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang 45 militiamen dahil sa pamamaslang sa mga demonstrador sa mga pag-aaklas sa Tripoli noong 2011 laban sa diktador na si Moamer Kadhafi, sinabi ng justice ministry nitong Miyerkules.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng death sentences na ibinaba ng isang Libyan court simula nang mapatalsik ang rehimeng Kadhafi pitong taon na ang nakalipas.

Dose-dosenang demonstrador ang namatay noong Agosto 21, 2011 nang mamamaril ang pro-regime militiamen malapit sa Abu Slim district ng kabisera, habang umaabante ang mga puwersa ng rebelde.

Nakasaad sa pahayag ng ministry sa 54 pang defendants ang hinatulan ng limang taon sa kulungan, 22 ang pinawalang sala, at tatlo ang namatay bago pa maibaba ang hatol. Isinara nang walang binanggit na dahilan ang kaso laban sa tatlo iba pang defendants.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina