Handa na umanong makipagkita si Russian President Vladimir Putin kay North Korean leader Kim Jong Un “at an early date”, ayon sa ulat ng North’s state media, ito’y sa gitna ng “rapid diplomatic thaw” sa Peninsula.

Matatandaan nitong Hulyo, inimbitahan ni Putin sina Kim at South’s President Moon Jae-in para sa isang economic forum sa Vladivostok, bagamat hindi naiulat kung ano ang naging tugon dito ng North Leader.

“I affirm that I am ready to meet you at an early date to discuss urgent issues of bilateral relations and important matters of the region,” mensahe ni Putin kay Kim sa pagdaraos ng North’s National Liberation Day—gagunita sa pagwawakas ng pananakop ng mga Hapon sa Korea kasabay ng pagtatapos ng World War II. AFP
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina