Naharap sa kontrobersiya kamakailan, mas pinaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang operasyon laban sa droga nang makumpiska nito ang P777,000 halaga ng ecstacy tablets at capsules at liquid ecstasy, na nagkakahalaga ng P165,000, at naaresto ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay PDEA Director- General Aaron Aquino, kinilala ni Director Levi Ortiz ang suspek na si Bruce Carlo Vidal Santos, alyas Elmo, na dinampot sa Mother Ignacia Avenue sa operasyon na pinamunuan ni PDEA Agent Wenifredo Alagabra.

Sa naturang pagsalakay, nasamsam ng PDEA ang 330 tablet at 40 capsule ng hinihinalang ecstasy; siyam na bote ng Lipovitan na naglalaman ng hinihinalang liquid ecstasy, na may bigat na 1100 ml, P165,000; dalawang spray can ng First Aid WariActiv, marked at boodle money.

Kamakailan lang, bigo ang PDEA at Bureau of Customs (BoC) na madiskubre ang isang toneladang shabu na hinihinalang ipinaloob sa magnetic metal lifters na ipinadaan sa international port terminal of Manila.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa taya ng PDEA, ang nawawalang P6.8 milyong shabu ay maaaring ipakalat sa Metro Manila.

-Chito Chavez