KUMPLETO na ang reinforcements ng lahat ng koponan para sa darating na 2018 PBA Governors Cup na magsimula sa Biyernes.

Pinakahuling dumating sa bansa nitong weekend si Alaska import Mike Harris.

Bagama’t hindi nakuha noong 2005 NBA rookie draft, nakapaglaro si Harris sa Houston Rockets at Utah Jazz.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Naging MVP din ito nang magwagi ng kampeonato ang kanilang koponang Rio Grande Valley Viper sa 2010 NBA D-League.

Naging bahagi rin siya ng Sichuan Blue Whales nang magwagi ang koponan ng kanilang unang titulo sa Chinese Basketball Association (CBA) noong 2016 at naging MVP sa BSN sa Puerto Rico matapos pangunahan ang Leones de Ponce sa kampeonato.

Huli siyang naglaro sa Lebanon para sa koponan ng Al Riyadi Beirut sa Lebanese Basketball League.

Kasama ni Harris bilang imports para sa third conference sina Justine Brownlee ng Barangay Ginebra, Arizona Reid ng San Miguel, dating Alaska import Romeo Travis ng Magnolia, dating Globalport Mike Glover ng TnT Katropa, JNathan Bullock ng Rain or Shine, Henry Walker ng Blackwater, Eugene Phelps ng Phoenix, Olu Ashaolu ng NLEX, ang mga kapwa baguhan ni Harris sa PBA na sina Rashad Woods ng NorthPort o dating Globalport at Akeem Wright ng Columbian Dyip at si reigning Best Import Allen Durham ng Meralco.

-Marivic Awitan