Patay ang isang 27-anyos n a l a l a k i n g nakaangkas sa motorsiklo makaraang sumemplang ang sasakyan sa Valenzuela City, nitong Linggo ng gabi.

Sa report ng Vehicle Trafic Investigation Unit (VTIU), kinilala ang biktimang si Joeven Hebres, ng Interior Street, Barangay Canumay West, ng nasabing lungsod.

Basag ang bungo ni Hebres, matapos n a mabagok s a semento.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 8:25 gabi at sakay ang biktima sa motorsiklong minamaneho ni Bernard Capunong, 27, sa T. Santiago Street, Bgy. Canumay West.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil sa lakas ng hangin at malakas na buhos ng ulan, sumemplang ang sinasakyan nilang motorsiklo, at nabuwal at nabagok si Hebres.

Nagresponde ang Valenzuela Rescue Team para isalba ang buhay ng biktima, pero dead on the spot ito.

-Orly L. Barcala