HIGIT na tumatag ang Evolve Fight Team – itinuturing top professional martial arts squads sa Asia – sa pagsapi ni kickboxing superstar Giorgio Petrosyan.

Kabilang sa Evolve Fight Team, ang opisyal na l competition unit ng Singapore-based training facility Evolve MMA, ang matitikas na combat sports personalities tulad nina Ben Askren, Angela Lee, Shinya Aoki, Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke, Roger Gracie, Michelle Nicolini, Sam-A Gaiyanghadao at Rafael dos Anjos.

Nitong Biyernes, ipinahayag ng Evolve ang pagsama ni Petrosyan sa koponan.

Sa bawat antas ng kagalingan sa anumang sports, ang ginagamit na batayan ay ang katauhan ni basketball legend Michael Jordan at sa mundo ng mixed martial arts, inihahalintulad si Petrosyan kay MJ.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinaguriang “The Doctor”, tangan ang 32-anyos na si Petrosyan ang kickboxing career record na 88-2-2, tampok ang 42-bout winn ing streak sa loob ng anim na taon.

Mula 2009 hanggang 2013, si Petrosyan ang tinitingala sa sports bilang world middleweight champion sa K-1 World MAX World Championship.

Nag-debut si Petrosyan sa ONE Championship nitong Abril bilang bahagi sa promotion card ng ONE Super Series, kung saan tampoka ng pinakamahuhuay na muay thai at kickboxing talent sa mundo.

Nagwagi siya laba kay dating Lion Fight World Champion “Smokin’” Jo Nattawut ng Thailand via unanimous decision.