Naghahanda na umano ang Department of Justice (DoJ) para pormal na hilingin sa Makati City Regional Trial Court (RTC) ang paglalabas ng hold departure order (HDO) laban kay Peter Go-Lim, na sinasabing kasabwat ni Kerwin Espinosa sa illegal drug trade.

I t o a y k a s u n o d n g pagkumpirma n i J u s t i c e Secretary Menardo Guevarra na nasa Pilipinas na ang suspected drug lord.

Ayon kay Guevarra, base sa record ng Bureau of Immigration (BI), nakabalik na sa bansa si Lim matapos ang maikling biyahe nito sa abroad noong Marso.

Maalalang nitong Biyernes ay kinasuhan na ng DoJ panel of prosecutors si Lim ng dalawang bilang ng conspiracy to commit illegal drug trade.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasama sa mga kinasuhan sina Espinosa, Marcelo Adorco, at Ruel Malindangan, na pawang kasabwat umano ni Lim.

-Beth Camia