IDLIB (AFP) – Isang antiquities museum sa probinsiya ng Idlib sa Syria, na sinasabing tahanan ng isa sa world’s oldest dictionaries, ang muling binuksan nitong Lunes makalipas ang limang taon, sinabi ng isang AFP correspondent.

Dose-dosenang bisita ang dumayo sa museum sa Idlib city para makita ang sinasabi ng isang opisyal na maliit na parte lamang ng koleksiyon ng gusali.

Sinabi ni Ayman al-Nabu, head of antiquities para sa lungsod na kontrolado ng alyansa ng mga rebelde at jihadists, na ang museum ay winasak ng air strikes at pinagnanakaw sa panahon ng halos pitong taong digmaan.

Matapos itong magsara noong 2013, ‘’we carried out maintenance and rehabilitated the museum to give it new life,’’ aniya.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sinasabing nasa pag-iingat ng museum ang isang koleksiyon ng clay tablets na ginawa pa noong 2400-2300 BC, at naging saksi ng invention ng unang alphabet.

Ang tinatawag na “Ebla tablets” ay nadiskubre sa bayan ng Ebla, Idlib province, ang sentro ng isa sa mga naunang kaharian ng sinaunang Syria.