Hiniling ni Sen. Bam Aquino sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na imbestigahan kung talagang ang pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ang nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

Sa ulat kasi ng Commission on Audit (CoA), nasa P1.3 bilyon ang hindi pa naki-claim ng 1.9 milyong indibidwal na benepisyaryo noong 2017.

Sa audit report, iginiit ng CoA na dahil naantala ang pagkuha ng mga benepisyaryo ng tulong, ibig sabihin ay hindi nila ito gaanong kailangan. Dahil dito, nahabahiran ng pagdududa ang eligibilityng mga nakalistang benepisyaryo. - Leonel M. Abasola

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser