Pansamantalang ititigil ang mga pagdinig sa budget hearing hanggat hindi nakapagpipresenta ang Department of Budget and Management (DBM) ng “people’s budget” sa Kamara, sinabi kahapon ni House Appropriations Chairman Rep. Karlo Nograles.
Gayunman, tiniyak niya na itutuloy ang pagdinig sa budget ng bawat departamento sa oras na masagot ng DBM at Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang concerns ng mga kongresista tungkol sa “extremely restrictive” cash-based P3.757-trillion national budget para sa 2019 at maipresente sa Kamara ang “true People’s Budget.”
“This is a temporary setback, but rest assured we will get the budget passed on time—a realistic, pro-people, pro-probinsyano budget that will support the priority projects and programs of President Rodrigo Duterte,” pagbibigay diin ni Nograles.
-Bert de Guzman