SEOUL (Reuters) – Nagkasundo ang North at South Korea na idaos ang inter-Korean summit sa Pyongyang sa Setyembre, sinabi ng Unification Ministry ng South kahapon.

Nagdaos ang North at South Korean officials ng high-level negotiations sa border truce village ng Panmunjom kahapon para talakayin ang summit.

Nagpulong sina North Korean leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in noong Abril at nagkasundong magdaos ng isa pang summit sa autumn, sa kabisera ng North, ang Pyongyang.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'