AMMAN (AFP) – Apat na miyembro ng Jordanian security forces at tatlong “terrorists” ang namatay sa raid sa hideout ng mga militante matapos masawi ang isang opisyal sa pagsabog ng bomba malapit sa kabisera, sinabi ng gobyerno nitong Linggo.

Limang suspek ang inaresto sa raid nitong Sabado kaugnay sa home-made bomb na sumabog sa ilalim ng patrol car sa isang music festival.

Ni-raid ng joint unit ng special forces, police at army troops ang isang bahay sa bayan ng Salt sa hilagang kanluan ng Amman sa paghahanap sa pinaghihinalaang “terrorist cell”, sinabi ni government spokeswoman Jumana Ghneimat.

Tinugis ang mga militante kaugnay sa pambobomba noong Biyernes ng gabi na ikinamatay ng isang police sergeant at ikinasugat ng anim na iba sa bayan ng Al-Fuhais sa kanluran ng Amman.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“The suspects refused to surrender and opened heavy fire toward a joint security force,” ani Ghneimat nitong Sabado. Pinasabog din nila ang gusali na kanilang pinagtataguan, dugtong niya.