Nababahala ang mga miyembro ng House Committee on Appropriations sa pagbawas sa budget ng Department of Energy (DoE) sa 2019 dahil makaaapekto ito sa electrification program ng ahensiya.

Sa pagdinig nitong Martes sa hinihinging budget ng DoE na P2.04 bilyon para sa 2019, sinabi ni Committee Chairman Rep. Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City) na sa simula pa lang ng pagdinig, hindi na siya sang-ayon sa budget cuts na nangyayari sa iba’t ibang departamento.

“These budget reductions will hurt the delivery of services by concerned agencies such as the DoE,” ani Nograles.

Ang panukalang budget ng DoE ay mas mababa ng P621.68M o 23 porsiyento sa 2018 allocation ng departamento ahensiya na P2.65 billion.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

-Bert De Guzman