ILOILO CITY - Matapos ang mahabang panahong pamumundok, nagpasyang sumuko sa pamahalaan ang 18 kaanib ng New People’s Army (NPA) sa Negros Oriental, kamakailan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Lt. Col. Egberto Dacoscos, commanding officer ng 62nd Infantry Battalion (62 IB) ng Philippine Army (PA).

Aniya, nanumpa na ang mga ito para sa katapatan sa pamahalaan kasabay na rin ng pagbabalik-loob sa gobyerno.

"Their surrender is a clear indication that they can no longer endure the barbarism and viciousness inflicted to them by this terrorist organization who only feeds them with nothing but poverty and misery," ayon kay Dacoscos.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naging benepisaryo na rin ang mga ito ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan, sa layuning maibalik sila sa lipunan.

Kaugnay nito, umaapela pa rin ang militar sa iba pang miyembro ng kilusan na isuko na sa gobyerno ang kanilang armas at magbalik-loob upang makapamuhay nang tahimik sa piling ng kanilang pamilya.

"We are calling the remaining supporters and active members of the NPA to lay down their arms and abandon the senseless and failed armed-struggle and return to the folds of the government," dagdag pa nito.

-Tara Yap