WELLINGTON (AFP) – Ang New Zealand kahapon ang naging huling bansa na ipinagbawal ang single-use plastic shopping bags, at sinabi ni Prime Minister Jacinda Ardern na buburahin ang mga ito sa susunod na taon bilang ‘’meaningful step’’ para mabawasan ang polusyon.

Ayon kay Ardern, gumagamit ang New Zealand ng ‘’hundreds of millions’’ ng single-use plastic bags bawat taon, na karamihan ay sumisira sa marine life.

‘’We’re phasing-out single-use plastic bags so we can better look after our environment and safeguard New Zealand’s clean, green reputation,’’ aniya.

Iniulat ng United Nations nitong Hunyo na aabot sa limang trilyong grocery bags ang ginamit sa buong mundo bawat taon, katumbas ng halos 10 milyon plastic bags kada minuto.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

‘’If tied together, all these plastic bags could be wrapped around the world seven times every hour’’ at tulad ng karamihan ay hindi nare-recycle, ani Erik Solheim, pinuno ng UN Environment.

Mahigit 60 bansa ang nagpapatupad ng mga pagbabawal at naniningil sa single-use plastic items.