SA gitna ng pagbuhos ng confetti sa MOA Arena nitong Miyerkoles ng gabi, tila panaginip para kay coach Tim Cone ang sandali.

NAGDIWANG at nagyakap sa center court sina Ginebra coach Tim Cone at import Justine Brownlee matapos makamit ang PBA Commissioner’s Cup title laban sa liyamadong San Miguel Beer. (RIO DELUVIO)

NAGDIWANG at nagyakap sa center court sina Ginebra coach Tim Cone at import Justine Brownlee matapos makamit ang PBA Commissioner’s Cup title laban sa liyamadong San Miguel Beer. (RIO DELUVIO)

Hindi bagito sa kampeonato si Cone—itinuturing na pinakamatagumapy na coach sa PBA – ngunit, ang pagkakataon ang siyang mistulang buwenas na dumating sa kanyang career at sa Ginebra Gin Kings.

Nakamit ng Barangay Ginebra ang kampeonato sa PBA Commissioner’s Cup nang gapiina ang San Miguel Beer – tinaguriang ‘Super Team’ sa Game 6.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi inakala ni Cone na madadaig nila ang pinakamalakas na koponan sa kasalukuyan.

“First of all, I still think they are still the best team. They are going to have a lot of championships with June Mar [Fajardo] there and that team,” pahayag ni Cone.

Walang mag-aakalang aabot ang Gin Kings sa finals at magkakampeon mula sa panimula nitong rekord sa second conference na 1-5 karta.

Ngunit, gaya ng kanyang naituro sa mga nauna niyang mga teams, tinuruan ni Cone ang Kings na maging mapagtiis at matagalan ang bawat kinakaharap na hamon.

“There’s so many ‘who would’ve thought it’ moments in this conference,” wika ni Cone.

“We were one and five, and who would have even thought that we’d make the playoffs?

“And then, when we got matched up with San Miguel, who would’ve thought that we’ve been able to win this series, and who would have thought that we can win it in six games?,” aniya.

At aminado siyang napahanga siya ng Kings sa ipinakitang tatag at tyaga ng mga ito.

“Just… you know, I’m just, I’m amazed. I’m amazed at the resilience of our players, the fight and the battle.”

Gayunman, hindi rin kinalimutan ni Cone ang isang malaking grupo na tinulungan silang gawing posible ang lahat, at ito’y walang iba kundi ang kanilang mga fans na walang sawa sa pagsuporta sa kanila at pagpapa angat ng kanilang moral sa harap ng mga pagsubok at kabiguan.

“It’s all these people here that made this happen. You led us to this championship, I don’t know what we would have done without you,” ani Cone, matapos mapanalunan ang kanyang 21st overall crown, at panglimang Commissioner’s Cup title.

“Twenty-four years, I was always trying to beat Ginebra. Mahirap na mahirap so I’m so thankful that I’m on your side. I love being the coach of Ginebra,” pagtatapos nito.

Ang titulo ang kanya ring ikatlo bilang mentor ng Ginebra.

-Marivic Awita