NAGPAMALAS ng kahandaan ang Team Philippines junior weighlifting sa nakopong apat na ginto, limang silver at tatlong bronze medal sa katatapos na 2018 Indonesia Weightlifters Championships sa Densapar, Bali, Indonesia.

Bagama’t nadama rin ang pagyanig dulot nang malakas na lindol sa karatig isla ng Lombok, nanatiling matatag ang Pinoy junior lifters na sina Vanessa Sarno, Rosegie Ramos, Jane Linete Hipolito at John Paolo Rivera Jr.

Ang 15-anyos na si Sarno, tubong Bohol Province, ay matagumpay sa kampanya sa 69kg women’s division sa kabuuang bigat na nabuhat na 176 ks. -- 78kg sa snatch at 98kg sa clean and jerk -- .

“Hindi ko po ini expect kasi first time ko po sumali sa international competition,” pahayag ni Sarno sa panayam sa kanya ng Balita.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nangibabaw naman ang 15-anyos na si Ramos, pambato ng Zamboanga City,sa 48kg category women’s division matapos bumuhat ng 69kg sa Snatch event, silver sa clean and jerk matapos ang 84kg sa kombinasyon na 153kg sa kabuuan.

Sumabak si Hipolito sa 58kg women’s division at bumuhat ng 71kg sa snatch event para sa silver medal at bumuhat ng 85kg sa clean and jerk para sa pang silver para sa kabuuangf 156 kgs.

Ang tanging lalaki na sumabak sa torneo ay si Rivera na bumuhat ng kabuuang 123 kgs, mula sa g 56kg men’s division ay bumuhat ng 96kg sa snatch event para sa ronze medal at bumuhat ng 123kg sa clean and jerk para sa bronze at sa kabuuang 219 kg para sa bronze.

Ayon kay Samahan ng Weightlifters ng Pilipinas president Monico Puentevella, ang mga nasabing weightlifters ang potensyal na susunod sa yapak ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz.

-Annie Abad