NANGIBABAW si Fide Master (FM) Alekhine Fabiosa Nouri sa junior division sa katatapos na Borneo International Chess Championship 2018 (Rapid Fide rated) na ginanap sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia.
Namayagpag ang 12-years-old Grade 6 pupil ng multi-titled Far Eastern University (FEU) chess team na suportado nina FEU chair Aurelio R. Montinola, FEU Athletic Director Mark Molina, FEU Director for Admissions and External Relations Albert Cabasada III at FEU head chess coach Grandmaster (GM) Jayson Gonzales matapos makalikom ng imakuladang 8 puntos mula sa pitong panalo at dalawang tabla.
Nakolekta ni Alekhine ang $ 300 US dollar matapos maghari sa junior division sa 25 minutes plus 10 seconds increment, rapid time control format.
Hango ang pangalan na Alekhine kay great Russian world titlist Alexander Alekhine kung saan ang una ay naging pinakabatang Fide Master sa buong mundo sa edad na pito (7) sa 14th ASEAN + Age Group Chess Championship 2013 na ginanap sa Chiang Mai, Thailand.
Nasikwat ang Fide Master sa edad na pito kung ikukumpara kay GM Wesley Barbasa So na naging FM sa edad na 11 subalit nakamit naman ni So ang GM title sa tatlong taon na pakikipagtagisan ng talino.
Nagkasya lamang si International Master (IM) IM Haridas Pascua ng Pilipinas sa ika-3 puwesto sa men’s division habang ang kababayan na si International Master (IM) Sean Winshand Cuhendi ng Indonesia ang nagtapos naman ng fourth over-all.
Nanguna naman si International Master (IM) Oliver Dimakiling ng Pilipinas sa 6.5 pointers na kinabibilangan nina Mohd Aizan Ernando at International Master (IM) Yeoh Li Tian ng Malaysia at International Master (IM) Emmanuel Senador ng Pilipinas.