GINAPI ng Che’Lu Bar and Grill ang Centro Escolar University, 86-73, sa winner-take-all Game 3 nitong Martes para makausad sa championship ng 2018 PBA D-League Foundation Cup nares Sports Arena sa Pasig City.

Pinangunahan ni Jeff Viernes ang ratsada ng Che’Lu sa naiskor na 26 puntos, anim na rebounds, anim na assists at tatlong steals. Nag-ambag si Jessie Collado ng 19 puntos at 12 rebounds, habang tumipa si Levi Hernandez ng 12 puntos.

Makakaharap ng Che’Lu Bar and Grill sa best-of-five championship series ang Go for Gold simula ngayon.

Iskor:

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Che’Lu Bar (86) – Viernes 26, Collado 19, Hernandez 12, Taganas 9, Melano 7, Siruma 7, Bitoon 4, De Joya 2, Flores 0, Ruaya 0, Sta. Ana 0.

CEU 73 – Fuentes 11, Rojas 11, Wamar 11, Chan 9, Oloume 8, Ke. Caballero 7, Guinitaran 7, Formento 5, Intic 2, Uri 2, Ko. Caballero 0.

Quarterscores: 22-12; 47-37; 69-56; 86-73.