RIYADH/OTTAWA (Reuters) – Tumanggi ang Canada nitong Lunes na umurong sa depensa nito sa human rights matapos i-freeze ng Saudi Arabia ang bagong trade at investment at palayasin ang Canadian ambassador bilang buwelta sa panawagan ng Ottawa na palayain ang mga inarestong Saudi civil society activists.
Sa una niyang public response sa mga aksiyon ng Saudi Arabia, sinabi ni Foreign Minister Chrystia Freeland na, “Canada will always stand up for human rights in Canada and around the world, and women’s rights are human rights.”