Pinagdadampot ang siyam na katao na umano’y naaktuhang bumabatak ng ilegal na droga sa isang bahay sa Taguig City, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang iniimbestigahan sina Shiela Vien y Niev, 32; Angel Joy Guanzin y Austria, 18; Jordan Belbis Delatonga, 28; Dondon Gutierrez y Mabitad, 31; Petertax Gutierrez y Mabitad, 27; Jeff Pormalejo y Arevalo, 29; at Cornelio Puerto y Edrada, 54, na pawang nakatira sa Novelty, Barangay Bagumbayan, Taguig City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), inaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3 ng Taguig City Police ang mga suspek sa Road 10, Bgy. Bagumbayan, bandang 2:30 ng hapon.

Nakatanggap ng sumbong ang awtoridad hinggil sa nagaganap na pot session sa naturang lugar.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Narekober sa mga suspek ang 10 pakete ng umano’y shabu, na may timbang na 1.8 gramo; 12 bukas na pakete na may tirang droga; at drug paraphernalia.

Nakakulong ang mga suspek sa detention cell ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Bella Gamotea